By Christian Dee

MAYNILA – Para kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, kung wala talagang kasalanan si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ay lalabas siya para harapin ang kanyang mga kaso at sagutin ang mga alegasyon kaugnay ang pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at ng ilan pang mga biktima.

Ito ay sinabi ni Remulla matapos dumalo sa isang event sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City nitong Lunes, Marso 20.

“Umuwi na siya para, face the charges. Kung talagang wala siyang kasalanan, lalabas siya,” ani Remulla.

Tumanggi namang magbahagi pa nang ibang detalye ang Kalihim ukol sa isinasagawang imbesigasyon ng DOJ sa naturang mambabatas.

Naniniwala naman si Remulla na darating ang lahat sa oras.

“We cannot telegraph our punches, we just have to work quietly sometimes,” aniya.

Isiniwalat naman din ng Kalihim na nasa loob lamang ng Timog-Silangang bahagi ng Asya lamang si Teves, base sa kanilang pagsusubaybay.

Nahaharap sa kasong pagpatay si Teves para sa pagpaslang sa ilang mga biktima umano nito noong 2019.

Iniimbestigahan din ang mambabatas dahil sa diumanong pagkakasangkot nito sa pagkamatay naman ni Degamo.

Matatandaang naglabas si Teves ng kanyang pahayag ukol dito habang siya ay nasa ibang bansa kung saan itinanggi niyang sangkot siya sa insidenteng pagpatay kay Degamo.

Leave a Reply