By Margaret Padilla

Sa kabila ng patuloy na pagpaparehistro ng SIM, nananatiling talamak ang mga text scam, ayon kay Sen. Mary Grace Poe.

Sinabi niya na ang mga SIM farm at mga tool sa phishing ay nananatiling naa-access dahil may mga hindi tumitigil sa paggawa ng mga bagong paraan upang manlinlang sa iba.

“There are still SIM farms out there and spoofing tools,” ang pahayag ni Poe, ang pangunahing may-akda ng SIM Registration Act. 

Sa kabila ng katotohanang iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbaba sa mga spam messages, nagpapatuloy ang trend na ito.

“Sinister minds will never stop hatching ways of stealing information and duping people,” aniya. 

Ayon sa The Manila Times, hinimok ng senador ang mga awtoridad na tugisin ang mga patuloy na nagpapadala ng text scam sa kabila ng pagpapatupad ng SIM (subscriber identity module) Registration law.

Nakasaad sa Republic Act 11934 na ang lahat ng subscribers ay dapat magparehistro ng kanilang mobile phone number sa kanilang service network.

Habang nagpapatuloy ang pagpaparehistro ng SIM, iginiit ni Poe sa mga awtoridad na “i-clamp down ang mga mobile phone scammers nang walang tigil.”

Gayunpaman, binalaan ng senador ang publiko na “hindi dapat minamaliit ang mga lumalabag sa batas.”

Kaya naman, nakiusap siya sa DICT at mga kumpanya ng telekomunikasyon na “pull out all the stops” para makuha ang publiko na “irehistro ang kanilang SIM number” hanggang sa Abril 26, 2023.

Ayon sa ahensya, humigit-kumulang 45.8 milyon, o 27.12 porsyento, sa 169 milyong SIM ang ginagamit sa buong bansa.

Leave a Reply