By: Jen Lopez
Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Department of Health (DOH) dahil sa 27 million doses ng COVID-19 vaccines na napabayaang maexpire.
“Halos dalawang taon na itong pandemya, nagagawa pa rin ng IATF na pabayaan ang pamamahala sa karaniwang pandemya. Napaka walang konsensyang isipin na ang mga inutang na bakuna ay itatapon lamang.”
(More than two years into the pandemic, the IATF still manages to mismanage the government’s response to the pandemic. It is unconscionable that the vaccines that were purchased through loans could end up in the garbage)
“Isang kapabayaan ito kung hahayaan lang nila ito mangyare. Gusto ko sana paalalahanan ang DOH at IATF na si Juan Dela Cruz ang magbabayad nitong mga bakuna.”
(It is criminal neglect if they let that happen. I’d like to remind the DOH and the IATF that it is Juan dela Cruz who will pay for these vaccines)
Ani niya, na ang mga bakuna ay isa sa mga dahilan kaya tumaas ang utang ng bansa mula P9 trillion,pre-pandemic, hanggang P12 trillion noong Pebrero 2022.
Dagdag pa nito, sa P500 kada bakuna, maaring magtapon ng P13.5 billion ang gobyerno kung hindi maasikaso ang 27 million doses sa susunod na tatlong buwan.
Ayon kay Drilon, kung sakali man, sana ay nagamit nalang ang nasabing halaga sa mga pampasaherong mga sasakyan at operators na lubos na naapektuhan sa pagtaas ng presyo sa langis at produktong petrolyo.
