By Frances Pio
Simula Abril 5, 2022, ang mga matatanda sa QCitizen na nangangailangan ng mga maintenance na gamot para sa hypertension, diabetes, at mataas na kolesterol ay makakakuha ng mga libreng gamot para dito sa pamamagitan ng Senior Citizen Maintenance Medicine Program ng lungsod.
Sa ilalim ng muling inilunsad na programa, ang bawat indigent senior citizen na may nasabing medikal na kondisyon ay tatanggap ng mga gamot kabilang ang Losartan (50mg/tab), Amlodipine (5mg/tab), Metformin (500mg/tab), at Simvastatin (20mg/tab).
Ang programang libreng gamot ay batay sa City Ordinance no. SP-2892 na ipinasa noong Disyembre 2019, na inakda ni Majority Leader Franz Pumaren, Councilor Donny Matias at Councilor Imee Rillo, at muling inilulunsad ngayong buwan upang ma-accommodate ang mas maraming senior citizens sa programa.
“Sa pamamagitan ng programang ito, tutuldukan na natin ‘yung matagal nang suliranin ng mga mahihirap nating mamamayan, lalo na ng mga senior citizen, na walang pambili ng gamot pang-maintenance. Sinisikap ng pamahalaang lungsod na maging accessible para sa lahat ang dekalidad na serbisyong medikal,” ika ni Mayor Joy Belmonte.
