By Christian Dee
MAYNILA – Palapit na nang palapit ang All Saint’s Day at All Soul’s Day kaya naman inaasahang dadagsa ang pagbili ng mga kandila para sa mga yumaong mahal sa buhay ng mga bibisita sa puntod.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), hindi tataas ang presyo ng mga kandila kahit paparating na ang nasabing mga araw. Mananatili anila ang Suggested Retail Prices (SRP) sa mga pangunahing pangangailangan na inilabas nito noong ika-12 ng Agosto sa taong 2022.
Sabi ng kalihim ng ahensya na si DTI Sec. Alfredo E. Pascual sa isang group chat sa Viber, “In line with the upcoming celebration of All Saint’s Day and All Soul’s day, please be informed that DTI currently has existing SRP for candles based on the August 2022 SRP.”
Ang mga kandila ayon dito ay umaabot sa P29.75 hanggang P177.71 ang presyo depende sa bilang nito sa isang balot.
Ipinaliwanag naman ng undersecretary ng DTI na si Ruth Castelo na ang SRP ay para lamang sa mga produktong ibinebenta sa loob ng mga supermarkets at grocery stores na sakop sa pamahalaan ng ahensya,
