By Christian Dee

MAYNILA – Nakatalagang ipalabas sa Netflix ang pelikula ng Filipino-American actor na si Gerald Anderson na ‘To Russia with Love’ sa Nobyembre 1.

Ayon sa Netflix, ang naturang pelikula ay tungkol sa isang negosyante na nanalo sa pagmamahal ng isang manlalakbay ngunit kailangan din niyang mapagtagumpayan ang mahigpit na ama nito.

Kasama ni Anderson sa pelikula sina Scott Alexander Young at Elena Kozlova na kung saan ay director naman si Veronica Velasco.

Ang proyektong ito ay hawak ng Maxv Film Productions, na kaparehong producer din ng “Doll House,” na pinagbidahan ni Baron Geisler at tampok na tampok sa social media kamakailan lamang.

Matatandaang nanguna ang “Doll House” sa bansa matapos ipalabas ito sa Netflix.

Photo from Mavx Productions, Inc. / Facebook

Leave a Reply