By Christian Dee

MAYNILA – Liban ang pampublikong transportasyon ayon sa inilabas na guidelines ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes, Nobyembre 3, sa boluntaryong pagsusuot ng face mask.

Matatandaang naglabas ng Executive Order No. 7 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kung saan ay papayagan nito ang boluntaryong pagsuot ng face mask sa loob at labas ng mga establisyemento.

Bagaman, idineklara pa rin ng DOLE ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga lugar ng trabaho sa pampribadong sektor.

Ayon sa Labor Advisory No. 22, kung saan nabanggit na liban ang mga pampublikong sasakyan, hindi rin pinapayagan ng ahensya na maging boluntaryo ang pasusuot ng face mask sa mga sumusunod:

  • Healthcare facilities, including, but not limited to, clinics, hospitals,
  • Medical transport vehicles, such as ambulance and paramedic rescue vehicles;
  • Public transportation by land, air, or sea.

Dagdag pa rito, inaanyayahan din ng DOLE na magsuot pa rin ng face mask ang mga matatanda, mga buntis, mga hindi bakunado, mga indibidwal na may sintomas, at ang iba pang may mga karamdaman.

Leave a Reply