By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Nobyembre 3, umakyat na sa 150 ang naitalang bilang ng mga namatay dahil sa hagupit ng bagyong Paeng.

Karamihan sa mga namatay, base sa ulat ng ahensya, ay nagmula sa tatlong rehiyon. Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nakapagtala ng 63 patay; CALABARZON (Region IV-A), 33; at Western Visayas (Region VI), 29.

Samantala, 94 naman ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong patay at ang iba naman ay tinitiyak pa.

Mayroon ding 126 katao ang sugatan. Habang 36 naman ang bilang ng mga naulat na nawawala.

The estimated cost of damage to infrastructure amounting to P2,833,910,844.5 was reported in Region 1, Region 2, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 10, Region 11, Region 12, CAR,” sabi ng ahensya.

Kaugnay nito, kabilang ang mga nasabing rehiyon sa mga idineklara ng pamahalaan sa ilalim ng state of calamity, kasama ang Bicol region (Region V) nitong Miyerkoles, dahil sa pananalasa ng naturang bagyo.

Nakapamahagi na ng nagkakahalagang P136,849 milyong tulong sa mga biktima ayon sa NDRRMC.

Leave a Reply