Share:

By Margaret Padilla

Ang ‘Batang Quiapo’ ni FPJ, na pinagbibidahan ni Coco Martin, at base sa action-comedy film na pinagbidahan nina FPJ at Maricel Soriano noong 1986, ay sa wakas ay mapapanood tuwing gabi, 8 p.m. simula bukas, February 13 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Nauna na rito, pinangunahan ng bida at direktor ng ‘Batang Quiapo’ na si Coco Martin ang cast sa paglibot sa Cebu, kasama ang mga mall shows, noong Sabado, February 11.

“Iba ang ihahain namin sa mga manonood. Ito, kwento ng mga Filipino. Ganun siya kalaki,” paliwanag ni Martin sa isang press conference.

Screengrabbed from ABS-CBN/Youtube

Makakasama sa ni Martin ang aktres na si Lovi Poe sa inaabangang palabas sa telebisyon na nagpaparangal sa kanyang yumaong ama, si Fernando Poe Jr., ang yumaong hari ng pelikula sa Pilipinas.

Samantala, ipinagdiwang ni Lovi Poe ang kanyang ika-34 na kaarawan noong Pebrero 11, at binati ang aktres ni Senator Grace Poe ng maligayang kaarawan sa social media at hinangad ang tagumpay ng kanyang bagong TV serye na ‘FPJ’s Batang Quiapo.’

“Happy birthday, @lovipoe! We are all so proud of the work that you do. We wish you and Coco all the best in Batang Quiapo,” ayon sa caption ng senadora sa post nito sa Instagram. 

Gayundin, sinabi ng beteranang aktres na si Cherry Pie Picache na tuwang-tuwa siyang maging bahagi ng serye. Excited na raw siya sa bagong show dahil matagal na siyang nagpahinga.

“I’m playing the role of Marites. Ako ‘yung nanay ni Coco at nanay ko si Ma’am Charo Santos. So kami ‘yung family, ‘yung community sa Quiapo. Sana kung paano n’yo po minahal ang FPJ’s Ang Probinsyano, ganun din po ang pagmamahal, suporta, at pagsubaybay na ibigay n’yo.”

Leave a Reply