By Christian Dee
MAYNILA – Ibinahagi ng aktor na si Gerald Anderson ang mga plano niya sa susunod na kabanata ng kaniyang buhay.
Handa na aniya siyang mag-settle down “anytime soon” ang tugon ng aktor matapos tanungin kung sumagi ba sa isipan ni Anderson ang pagpapakasal.
Nakapanayam ang aktor nitong Biyernes, Oktubre 28 sa Star Magic para sa digital video magazine nito.
“Anytime soon, oo naman. Ako mismo, siyempre ready ako,” ani Anderson.
Dagdag pa ng aktor, nais nito na kapag nag-settle down siya ay nakahanda na ang kinabukasan ng magiging mga anak niya at kinabukasan ng asawa niya.
“Malapit na tayo do’n,” aniya.
Samantala, napag-usapan din ang relasyon nila ni Julia Barretto at nabanggit ng aktor na kakaiba ang sumuporta ang aktres. Sinabi rin ni Anderson na iniisip nitong ayon ang susi kung bakit marami silang nalagpasang mga pagsubok sa relasyon.
“Sobrang tibay naming dahil sa kaniya,” dagdag ng aktor.
