By: Frances Pio
Matagumpay na napanatili ng San Beda University Red Lions ang kanilang malinis na standing sa NCAA basketball tournament matapos mahabol ang lamang ng Emilio Aguinaldo College Generals upang manalo, 85-81, sa huling quarter.
Pinangunahan ni James Kwekuteye ang San Beda sa scoring na may 16 puntos, na sinundan ng 15-point production ni JV Gallego.
Nakakuha rin ang Red Lions ng maaasahang kontribusyon mula sa prized rookie big man Rhayvan Amsali at playmaker Ralph Penuela, na nagtala ng tig-13 puntos para mapanatili ang kanilang walang talo kartada matapos ang dalawang laro sa Season 97.
