Share:

By Frances Pio

––

Tiniyak ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. ang tulong para sa mga bayan na lubhang tinamaan ng dengue na dala ng lamok mula sa pamahalaang panlalawigan.

“We are ready to augment and provide what is necessary,” sinabi ni Defensor matapos ang 217 porsiyentong pagtaas ng kaso ng dengue ay naitala sa lalawigan.

Batay sa datos ng Iloilo Provincial Health Office, nasa 568 na ang kaso ng dengue sa lalawigan at anim na nasawi ang naitala noong Hunyo 18.

Naglabas si Defensor ng executive order na nagsisiguro na ang pamahalaang panlalawigan ay maaaring magdagdag ng mga healthcare personnel, equipment, o supplies sa 42 bayan sa probinsya at component City ng Passi.

Tiniyak din niya na ang pamahalaang panlalawigan ay maaaring bumili at mamigay ng dengue kits, adulticides, larvicides, dengue test kits, intravenous fluids, at iba pang gamot.

Iniiwasan ng Administrasyon ni Defensor na maulit ang dengue outbreak na naganap noong 2019.

Leave a Reply