Share:

By Francis Pio

––

Ipinasa ni outgoing Vice President Leni Robredo nitong Lunes ang pamunuan ng oposisyon kay Sen. Risa Hontiveros, na nagsabing tutulong siya sa pag-angat ng ekonomiya at labanan ang disinformation.

Si Hontiveros, na muling tumakbo sa halalan noong Mayo 9 sa ilalim ng partidong Akbayan, ay ang pinakamataas na halal na opisyal mula sa oposisyon, sinabi ni Robredo noong pinangasiwaan niya ang panunumpa sa tungkulin ng mambabatas.

“[Noong] alam na natin ‘yung resulta ng eleksyon, tinext ko si Senator Risa. Sabi ko kay Senator Risa, ‘Ikaw na ‘yung lider namin. Kaya please know na nasa likod mo lang kami. Nasa likod mo lang kami, tutulong kung kailan mo kami kailangan,'” sinabi ni Robredo.

“Uulitin ko ‘yun ngayon, Sen. Risa, na you are now the highest elected official sa oposisyon and lahat kami masaya na ikaw ‘yung natitirang humahawak ng ating bandila,” sinabi niya sa kanyang pagpapatuloy.

Sinabi ni Hontiveros na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya sa Senado, kabilang ang mga pagsisikap sa pagtugon sa COVID-19 at iba pang mga hakbang para sa kalusugan.

“We will help spur economic growth and restore healthcare services disrupted by the pandemic. As promised, we will facilitate an increase of budgets for agencies integral to our recovery initiatives. Tuloy pa rin ang ating adbokasiya para sa Healthy Buhay at Hanapbuhay,” sinabi ni Hontiveros.

Idinagdag niya na lalabanan niya ang disinformation at ipaglalaban ang mga kalayaang ginagarantiyahan ng konstitusyon tulad ng kalayaan sa pagpapahayag, pagpupulong, at pamamahayag.

“We will fight back harder, against rumors, lies, propaganda, and fake news. Let me make this even clearer. This is a stern warning to all the dubious characters in the fake news universe. This time, we will not let your reckless disregard for truth slander our democracy—our country— ever again,” sinabi ni Hontiveros.

Hontiveros bagong pinuno ng oposisyon – Robredo

Si Robredo, na nakatakdang bumaba sa puwesto sa Hunyo 30, ay nakatakdang mamuno ng isang non-government organization, ang Angat Buhay Foundation.

Leave a Reply