Share:

By: Margaret Padilla

Ano ang ginawa ng bagong pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang unang opisyal na araw sa opisina?

Noong Huwebes, nanumpa si Marcos Jr.sa panunungkulan bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Pambansang Museo.

Ngayong Biyernes, Hulyo 1, dumalo sa isang Thanksgiving Mass si pangulong Marcos, Jr. kasama ang bagong halal na Bise Presidente Sara Duterte at iba pang miyembro ng kanyang gabinete.

Ginanap ito sa loob ng compound ng Malacanang sa Maynila sa National Shrine of St. Michael the Archangels.

Ang misa, na ginanap isang araw pagkatapos ng inagurasyon ni Marcos, Jr., ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ayon sa CBCP News at Radio Veritas, at co-celebrated ng retiradong Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.

Ibinahagi ng CBCP News ang mga larawan mula sa misa sa Facebook, na ipinost ng Radio Veritas ngayong Biyernes.

Samantala, inanunsyo na walang magaganap na pulong ng Gabinete sa kanyang unang araw sa panunungkulan, ayon sa Presidential Communications team.

Gayunpaman, nakipagpulong si Marcos Jr. sa mga dayuhang diplomat sa araw na ito.

Nakipagpulong siya kay Australian Gobernador-Heneral David Hurley, na siyang Commander-in-Chief ng Australian Defense Force at nagsasagawa ng executive power sa ilalim ng Queen of Australia at ang Pinuno ng Estado nito, Her Majesty Queen Elizabeth II.

Binisita din siya ni Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa.

Ngayong hapon, dadalo ang bagong pangulo sa ika-75 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF), ang kanyang unang pakikipag-ugnayan sa militar.

Sinabi ni PAF spokesperson Col. Maynard Mariano na pisikal na dadalo si Marcos Jr. sa pagdiriwang sa Haribon Hangar, Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga, bandang alas-4 ng hapon.

Isa sa mga inaasahang highlight ng okasyon ay ang pagkilala sa mga natatanging tauhan at unit para sa kanilang mga nagawa sa nakaraang taon.

Gayundin, magsasagawa rin ng fly-by at high-speed opener ang iba’t ibang aerial assets para ipakita ang kakayahan ng PAF, katulad ng ginawa noong inagurasyon ni Marcos sa Maynila noong Hunyo 30.

Leave a Reply