Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa tech giant na Google na isama ang mga ruta ng bike lane ng bansa sa dashboard ng real-time navigation app nito na Google Maps upang tulungan ang mga siklista.

“We have asked Google to consider this suggestion [as] top priority considering the increasing number of Filipino cyclists,” ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugad.

Sinabi niya na ito ay isang “Good innovation” para sa Google Maps, lalo na ngayon dahil maraming mga Pilipino ang gumagamit ng mga bisikleta bilang pangunahing paraan ng transportasyon.

Dagdag ni Tugade na nakatitiyak siyang gagawin ng Google ang kahilingan ng ahensya, matapos na mapansin na ang kompanya ay isang tagasuporta ng active transportation. (By: Frances Pio)

Leave a Reply