Sa kabila ng malaking pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, hindi pa rin pinapayagan ang mga non-essential gathering, kabilang ang pagdaraos ng mga Christmas party.
Sa pagbanggit sa mga ulat mula sa prevention at enforcement cluster sa kamakailang pagpupulong ng COVID-19 Task Force, sinabi ni City Mayor Sara Duterte sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga party ay hindi kabilang sa mga pinapayagang Private Meetings, Incentives, Conferences, and Events (MICE).
“We do not know kung mag Alert Level 1, magbag-o siya. But atoa sa Alert Level 2, dili na siya apil sa mga MICE events per the report of the prevention and enforcement group sa COVID-19 (We do not know if there will be changes once we are placed in Alert Level 1. But in our Alert Level 2, parties are not included in MICE events as per the report of the COVID-19 prevention and enforcement group),” ayon kay Mayor Duterte.
Dagdag pa niya na ang Executive Order No. 43 ng pamahalaang lungsod ay nagbabawal sa mga hindi mahahalagang kaganapan sa lahat ng tanggapan ng barangay, lokal at pambansang pamahalaan, kabilang ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) na nakabase sa lungsod na ito hanggang Disyembre 31.
Noong Miyerkules, Nob. 24, sinabi ni Davao City COVID-19 Task Force spokesperson Dr. Michelle Schlosser na mababa sa 1% ang positivity rate ng lungsod.
Sinabi ni Schlosser sa kabila ng mga guidelines na itinakda ng pambansang pamahalaan, ang lungsod ay may umiiral na guidlines na nagbabawal sa mga di-mahahalagang aktibidad tulad ng mga party. (By: Frances Pio)
