Share:

By Frances Pio

––

Simula Martes, Hunyo 28, muling tataas ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

Sa magkahiwalay na advisories na inilabas nitong Lunes, sinabi ng Caltex Philippines at Seaoil na magtataas sila ng presyo ng gasolina ng P0.50 kada litro, habang P1.65 naman ang inaasahan sa bawat litro ng diesel. Dagdag pa rito, tataas din ng P0.10 ang halaga ng kerosene kada litro, sabi ng mga kumpanya ng gasolina.

Ang Cleanfuel, sa kabilang banda, ay magpapatupad ng parehong pagtaas ng presyo para sa mga produktong petrolyo nito, maliban sa kerosene.

Ipatutupad ng Caltex Philippines ang price adjustment mula 12:01 a.m. sa Martes, habang upapatupad naman ng Seaoil ang pagtaas ng 6:00 a.m. sa parehong araw.

Samantala, ipatutupad ng Cleanfuel ang pagtaas ng presyo nito pagsapit ng alas-8:01 ng umaga din sa Martes.

Leave a Reply