By Christian Dee

MAYNILA – Sweet na sweet ang mensaheng isinulat ng aktres na si Ina Raymundo para sa kanyang bunsong anak na nagdiwang ng ika-10 kaarawan noong Miyerkoles, Pebrero 22.

Sa Instagram post ni Raymundo, ibinahagi niya ang ilang mga larawan ng kanyang anak na si Minka sa iba’t ibang edad nito.

Kalakip nito ang tula na nagpapahayag kung gaano niya kamahal ang bunsong anak.

Photo source: Ina Raymundo/Instagram

“10 years ago, this munchkin was born, 24/7 I never cease to adore. She’s the light of my world. The love of all. We call her ‘bunso’ and so proud to call her my own. Happiest 10th Birthday Minkaroo, Mama loves you so,” saad sa caption ni Raymundo sa kanyang Instagram post.

“Stay the way you are, Minka, you’re amazing and so lovable,” dagdag pa nito.

Matatandaang ibinahagi ng aktres noong Oktubre 2022 ang video ni Minka kung saan mapapanood na tumutugtog ito ng kanyang sariling piyesa para sa Halloween, na pinamagatang “The 11th Hour.”

“Introducing Minka’s original Halloween song that she collaborated with her piano teacher, @dayviewmusic. It’s so good! Makes you feel like you’re on a roller coaster ride,” saad ni Raymundo.

Ikinasal si Raymundo sa Canadian na si Brian Poturnak noong 2003, na silang nagdiwang ng kanilang anibersaryo noong Disyembre 9.

Apat naman ang kanilang anak na sina Erika, Jakob, Anika, at Mikaela.

Leave a Reply