Share:

Mahigit 6 na tsuper ang inaresto noong isang araw, Hunyo 3, dahil di umano sa pagpoprotesta at pamamalimos, ngayong araw ay tinutulungan na ng isang party-list na sila ay makalaya.

Inihayag ng party-list na ito na dapat ay walang namamalimos na tsuper ngayon sa gitna ng krisis, dahil nagawa lamang nila ito sa kagustuhan na makapaghanap buhay muli.

Ang sabi ni Rep.Claudine Diana Bautista ng Dumper Partylist, kasalukuyang pinoproseso ang mga papeles ng anim na tsuper para sa mabilis nilang paglaya.

Nais din ng party-list na hikayatin ang pamahalaan sa pagbibigay ng patuloy na ayuda upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tsuper at hindi na sila muli pang magprotesta at mamalimos sa kalsada.

Ang nais at prayoridad lamang ng nasabing party-list ay makalaya ang mga tsuper sa lalong madaling panahon. Sila ay naninindigan sa kanilang paniniwala na walang dapat makulong sa mga tsuper na ang nais lamang ay tulong mula sa pamahalaan.

Leave a Reply