Share:

Pumanaw na ang naunang pinakabatang survivor ng COVID-19, ang sanggol na lalaking si Kobe Manjares, sa edad na (16) labing anim na araw palamang. 

Ipinanganak si “Kobe Manjares” nitong nakaraang Abril 12, 2020. Noong siya ay (5) limang araw pa lamang nang nadiskubre na positibo ang bata sa COVID-19. 

Kinalaunan, siya ay nagnegatibo at pansamantalang gumaling at nailabas sa National Children’s Hospital nitong Abril 28, 2020 ngunit ibinalik siya ulit nitong Mayo ng kanyang ama na si Ronnel Manjares sa hospital sa kadahilanang ito ay hirap o hindi nakakadumi.

June 3, 2020 ng gabi ay nakausap ni Ronnel Manjares ang doktor at ang sabi sa kanya ay kailangan ng i-intubate ang bata.

Sa kasamaang-palad, nang makausap ulit ni Ronnel Manjares ang mga doktor ay inihayag nang pumanaw na ang bata.

Napag-alamanan din kay Rosalyn Manjares, tiyahin ng bata, nainatake din daw ang bata sa puso bago ito namatay.

Sa kasalukuyan, ayon kay Ronnel Manjares, kailangan nitong makahanap ng masasakyan mula  Alabang papuntang Quezon City para makuha ang labi ng bata. Dagdag pa nito ay sinabi niya din na wala siyang pera para upang maipalibing ang bata.

Leave a Reply