Isang matandang lalaki ang nabiyayaan na magkaroon ng matagal niya nang inaasam na bisikleta.
Kahapon ay kumalat sa social media ang isang video patungkol sa isang matandang lalaki na binigyan ng isang bicycle shop owner ng bike ng walang bayad.
Si Tatay Carlos ay 82 years old na at ang kanyang ikinabubuhay ay ang paglalako at pagbebenta ng candy. Simula noong Mayo 15 pa ay pabalik-balik na si Tatay Carlos sa shop upang bilhin ang bike ngunit hindi sapat ang kanyang pera.
Kahapon, Hunyo 3 2020, ay muling dumaan si Tatay Carlos sa shop at isang napakagandang araw ito para sa kanya.
Nais bilhin ni Tatay Carlos ang bisikleta sa halagang 2,000 mula sa orihinal na presyo nito na 4,500. Ilang beses siyang diumanong bumabalik upang pakiusapan na bilhin na ito ngunit kahapon lamang ito napasa kanya.
Ang nanay ng may-ari ng shop ang kusangloob na nagbigay ng bisikleta kay Tatay Carlos ng muli itong dumaan doon. Makikita sa video na ibinayad ni tatay Carlos ang 2,000 para sa bike ngunit ibinalik din ito ng nanay ng may ari ng shop na si Fe Carandang. Isang ngiti lamang ang naging kapalit ng bike mula kay Tatay Carlos.
Umani ng ilang milyong views ang video na ito sa facebook at marami ang naantig ang puso sa kabaitang ipinakita dito.