By Christian Dee

MAYNILA – Nauwi sa pamamaril ang isang inuman sa Rodriguez, Rizal nitong Lunes, Marso 20, kung saan nasawi ang isang lalaki.

Nagkaroon umano ng alitan ang biktima na si Gilbert Orubia at ang hindi pa nakikilalang suspek habang nag-iinuman sa Barangay San Agustin ang dalawa bandang alas-10:30 ng gabi.

Base sa ulat ng pulisya ng CALABARZON, uminit ang pagtatalo ng dalawa bago barilin ng salarin si Orubia.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang agad na binawian ng buhay ang biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa nangyaring insidente.

Pinaghahanap na rin pulisya ang suspek na kainuman.

Leave a Reply