By Christian Dee
MAYNILA – Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Marso 21, ang pagsisimula ng tag-init sa bansa.
Sa isang pahayag ng PAGASA, sinabi rin nitong nagtatapos na rin ang Amihan kung saan inaasahan na rin na tataas ang temperatura sa bansa.
Ayon sa naturang state weather bureau, inaasahan na hanggang Mayo ang “warm and dry season” kasunod ng pagtatapos ng Northeast Monsoon o Amihan.
“In the coming months, warmer temperatures are expected, and rainfall across the country will be influenced mostly by easterlies and localized thunderstorms,” saad ng PAGASA sa pahayag nito.
Inabisuhan din ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa heat stress na maaring idulot ng temperature at maging masinop sa paggamit ng tubig sa araw-araw.
