Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Isang katawan ng lalaki na tinaga ang natagpuan sa loob ng isang sakong palutang-lutang sa Tondo, Maynila, ayon sa iniulat ng ABS-CBN News.

Ang sakong may nakasilid na tinagang katawan ay natagpuan sa Manila Harbour Centre Port Services, Mel Lopez Blvd, Barangay 128 sa naturang lugar.

Nang mapag-alaman ng mga awtoridad na mayroong palutang-lutang na sako at pinaghinihinalaang may lamang bangkay sa loob, agad na nagtungo ang SOCO at Manila Police District Homicide division.

Binuksan ng mga awtoridad ang sako at natagpuan ang naka-chop-chop na katawan ng lalaki.

Ayon sa inilabas na inisiyal na imbestigasyon ng MPD ngayong Biyernes, nakatanggap ng tawag ang MPD station 1 ukol sa nakitang sako na hinihinalang may lamang bangkay.

Kasalukuyan namang sinusubukan ng MPD na alamin ang pagkakakilanlan ng biktima kasabay ang pag-iimbestiga sa insidente.

Leave a Reply