By Christian Dee

MAYNILA – Arestado sa Pasay City ang isang lalaki dahil sa panggagahasa sa kanyang sariling pinsan.

Inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang warrant of arrest laban sa 31-anyos na suspek at natunton sa Pasay City.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, nagbebenta ang suspek ng cellphone accessories sa lugar kung saan siya nakita ng mga awtoridad.

Taong 2020 pa nang mangyari ang panghahalay ng itinuturing ng QCPD na Top 6 Most Wanted na suspek sa biktima sa Las Piñas City, ayon sa pulisya.

Giit ng salarin, walang nangyari sa kanila ng kanyang pinsan.

Sa QCPD Station 1 kasalukuyang nakakulong ang suspek.

Leave a Reply