By Christian Dee
MAYNILA – Muling bubuksan ang mga flight ng Philippine Airlines mula sa Clark International Airport papunta sa Caticlan (Boracay) at Busuanga (Coron), ayon sa pamunuan nito.
Sa isang pahayag sinabi ng naturang airline na pinapalawak nito ang domestic flight route network ng PAL sa pamamagitan ng muling pagbubukas ng nasabing mga flight.
Tatlong beses sa isang linggo patatakbuhin ang operasyon para sa rutang Clark-Caticlan, epektibo sa unang araw ng Abril.
Ayon sa PAL ang mga sumusunod ay ang flight schedule para sa Clark-Caticlan:
• Ang eroplanong PR 2376 ay aalis sa Clark kada Martes, Huwebes, at Sabado ng alas-3:05 ng hapon at darating sa Caticlan ng alas-4:20 ng hapon.
• Ang eroplanong PR 2377 ay aalis sa Caticlan kada Martes, Huwebes, at Sabado ng alas-4:40 ng hapon at darating sa Clark ng alas-5:55 ng hapon.
Samantala, ang rutang Clark-Busuanga, apat na beses kada linggo ang operasyon nito simula Abril 4.
“The revival of these direct flights will give travelers from Central and Northern Luzon a convenient new way to access Boracay and Coron, demonstrating Clark Airport’s position as a key jump off point to the country’s prime island destinations,” ani PAL President and COO Capt. Stanley K. Ng.
“We will work in partnership with our stakeholders, including the Clark Airport authorities and the concerned local governments, to effectively build more connectivity between Clark and various regions of the Philippines,” dagdag pa ni Ng.
