By Margaret Padilla

Noong Martes, Pebrero 22, 2023, nagpasa ang Senado ng isang resolusyon na binabati at kinikilala ang Filipino actor na si Romeo “John” Gonzales Arcilla sa pagkapanalo niya sa pinaka-aasam na “Volpi Cup for best actor” sa 78th Annual Venice International Film Festival.

Si Senador Manuel “Lito” Lapid, na isang aktor bago pumasok sa pulitika, ang nagpakilala ng Senate Resolution 490. Lahat ng mga senador ay co-authored ng resolusyon, ayon sa press release na inilabas ng Senado.

“Recognizing the achievement of John Arcilla is in accord with the Constitution’s acknowledgment of the importance of arts and culture in fostering patriotism and nationalism and promoting total human liberation and development,” ang pahayag ni Lapid.

Ayon sa dating actor-turned-senator, ang tagumpay ni Arcilla ay nagpapakita ng world-class talent, skill, at passion ng Filipino, na nagbibigay inspirasyon sa mga aspiring artist at creative na tao sa bansa.

Sa kanyang resolusyon, pinuri ni Lapid ang aktor, na tinawag itong “truly outstanding feat that deserves all the recognition and praise.”

Gayun, ayon kay Majority Leader Joel Villanueva, hindi lamang naipamalas ni Arcilla ang kanyang talento sa pag-arte sa pandaigdigang entablado, ngunit maipagmamalaki siya ng kanyang mga kapwa Filipino. 

Samantala, naluluha si Arcilla sa kanyang acceptance speech.

“He is now in heaven, my father, and my mother is still alive. Pag narinig nila na ang mga punong-bayan ay binibigyan ng parangal ang kanilang anak, I’m sure big deal po sa kanila yan,” 

sabi niya sa kanyang ‘acceptance speech,’ habang teary eyed at emotional. 

“Isang achievement para isang mamamayang Filipino na ang trabaho mo ay ni recognized ng mga opisyal ng bayan,” dagdag pa niya.  

Kasama ni Arcilla sina Brad Pitt, Colin Firth, Liam Neeson, Joaquin Phoenix, Javier Bardem, Ben Affleck, at Sean Penn bilang ang tanging mga taong nanalo sa Volpi Cup.

Leave a Reply