By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang inagurasyon ng mga washing facilities na ibinigay ng Manila Water Foundation kasama ng Procter & Gamble’s Safeguard Philippines sa mga paaralan sa nasabing syudad.

Layunin nito na isulong ang wastong kalinisan at sanayin ang mga mag-aaral na mag-sanitize sa gitna ng pandemya.

Ayon sa Vice Mayor ng lungsod na si April Aguilar, umabot sa 26,000 ang bilang ng mga mag-aaral ang makikinabang sa donasyon.

Ang proyektong ito ay suportado aniya ng WinS program ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).

Sinabi rin ng opisyal na bahagi ito ng kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan na ‘BIDA Kid Campaign’ upang mas paigtingin ang kalusugan at mga protocol sa kaligtasan kasabay ng mga face-to-face classes sa mga eskuwelahan.

Leave a Reply