By Christian Dee

MAYNILA – Binigyang linaw ng Malacañang na regular working holiday ang Pebrero 25, 2023, ang ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Pebrero 24, Biyernes bilang special non-working day.

“Consistent with the holidays moved in furtherance of holiday economics as contained in Proclamation No. 90 dated November 11, 2022, February 24, 2023 has been declared a special non-working holiday to mark the Edsa anniversary in lieu of February 25, 2023 (a regular working day) but without diminishing the latter’s significance,” saad sa pahayag ng Official Gazette.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi ng Pangulo na kaya idineklarang special non-working day ang Pebrero 24, ay upang matamasa ng mga Pilipino ang mga benepisyo ng holiday economics.

“The celebration of EDSA People Power Revolution Anniversary may be moved from 25 February 2023 (Saturday) to 24 February 2023 (Friday), provided that the historical significance of the EDSA People Power Revolution Anniversary is maintained,” saad sa Proclamation No. 167 na inilabas noong Huwebes.

Matatandaang nagsama-sama ang milyon-milyong taumbayan noong 1986 sa EDSA para sa kilos-protestang naglalayon na patalsikin sa puwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang ama ni Pangulong Bongbong Marcos.

Leave a Reply