Share:

By: Margaret Padilla

Sa palabas ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano, ipinakita ni John Arcilla ang kanyang napakahusay na pag-ganap bilang Renato “Buwitre” Hipolito, ang mortal na kaaway ni Cardo Dalisay, na ginagampanan ng lead actor na si Coco Martin.

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa show, ibinunyag ni Arcilla sa kanyang social media accounts kahapon ang mga dissatisfied at hate reactions na natanggap niya mula sa mga netizens, gayundin ang mga “threats” sa kanyang buhay.

“Dumadami na naman (ang) fans ko at personal message pa. Pero nakaka bother din. Chill lang mga Pars at Mars,” caption ng aktor para sa unang set ng mga screenshot na ibinahagi niya sa Facebook, Instagram, at Twitter.

Ang karamihan sa mga mensahe ay nagbanta o sumumpa sa kanya, na may ilang binanggit pa ang kanyang tunay na pangalan bilang ang target ng kanilang “galit.”

“Serye lang po walang personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito, huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon, diba? Peace po,” ang sabi niya.

Paliwanag ng multi-awarded actor, napilitan siyang i-post iyon dahil baka may makapagpaliwanag sa mga nasabing viewers na bahagi lamang ito ng kuwento sa serye at hindi sa totoong buhay.

“Sana hindi ka seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba,” paliwanag ng actor.

Bagama’t maliwanag naman bakit masama ang loob ng mga manonood kay Hipolito, naniniwala si Arcilla na ang moral ng kuwento ay “walang digmaan” dahil kahit kathang-isip ito, lahat ay maaapektuhan at masasaktan, lalo na sa totoong buhay.

“Kung nagagalit kayo kay Hipolito, understandable, pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality. No one ever wins a war,” he said.

Gayunpaman, mas maraming netizens ang patuloy na nagtatanggol ng aktor at pinuri ang kanyang pagganap.

“Damn! I think we need to educate the masses and remind them that the characters on TV do not reflect the actor’s values and principles. On the bright side, kudos to your impeccable acting skills!” ang post @kilimanguru sa Instagram. 

@Kotz.Allen added a comment as well. “It only means na you did a great job sa character mo sir. But sad is, kaya siguro maraming nabibiktima ang mga propagandista.” 

@19ellehcim also commented on IG: “Ganyan po ka epektibo ng karakter nyo sir john ang galing galing nyo naman po talaga kase gumanap bilang Hipolito. Dalang dala kami sa role nyo e, nakakainis po talaga pero yun po ang hinihingi ng role nyo. Magaling po talaga kayo, Sir.” 

Isa pang netizen ang nag-iwan ng comment sa Facebook, “Masyado mo kasing ginalingan si Hipolito, ayan tuloy dami galit sayo. Pero in fairness po kay John, mabuting tao po yan at matulungin po yan, mabait na tao na kabaligtaran ni Hipolito. Bravo John! (Isa kang) tunay na actor, we are so proud of you.” 

Matapos ang halos pitong taon sa ere, ipinalabas ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN ang huling episode nito noong Biyernes ng gabi, Agosto 12, 2022. (Photo: Rodel Pacheco Martin in Facebook | @artfernandezjr)

Leave a Reply