Share:

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng may mga COVID-19 sa Sitio Kaingin Bukid sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Ito ay isasailalim sa dalawang linggong special concern lockdown simula ngayong Huwebes, Hunyo 11.

Patuloy silang maghihigpit sa loob ng dalawang linggo. Bawal mag bukas ang lahat ng tindahan sa lugar, bawal ang kumpulan ng mga tao at bawal din ang kahit anong uri ng pagpupulong.

Mahigit 26 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar at mayroong 6 na suspected cases at 1 probable case. Nasa 1,600 na pamilya ang residente ng lugar.

Nangako naman ang kanilang lokal na pamahalaan na mag bibigay sila ng agarang tulong sa mga residente na apektado nitong lockdown at mag sasagawa sila ng intensified testing at monitoring sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply