By Frances Pio
––
Itinanggi ng isang mataas na opisyal ng pulisya noong Lunes, Hulyo 25, na lumalaganap ang krimen sa Lungsod ng Cagayan de Oro.
Binatikos ni Police Lt. Col. Surki Sereñas, deputy director for operations ng Cagayan de Oro City Police Office, sa isang Facebook post ang mga netizens na nagsasabi nito.
Sa katunayan, aniya, bumaba ang lingguhang insidente ng krimen mula 10 hanggang 8.
“Our weekly average crime incident in the city is 10. The statistics even dipped down at eight incidents a week. This is way, way lower compared to the crime incidents in other highly urbanized cities,” sinabi ni Sereñas.
Binigyang-diin niya na ligtas ang lungsod na at hindi konektado ang mga kamakailang insidente ng krimen.
“The city is still very safe and there is no cause for alarm. The recent crimes that happened in the city are in no way connected to each other,” Sereñas said. “There is no mentally deranged serial criminal, serial killer, or serial rapist that will prey on you or your loved ones,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Sereñas na dodoblehin nila ang kanilang pagsisikap na maiwasan ang krimen sa pamamagitan ng preemptive deployment at intelligence operations.
“If we have not prevented it, we will investigate and solve it,” ani Sereñas.
Sa kabila ng mga hamon sa personnel at mobility resources, sinabi ni Sereñas, batay sa kanilang mga record, 98 porsiyento ng kabuuang index crime sa lungsod mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay na-clear o naresolba na.
Noong Sabado ng gabi, Hulyo 23, binabantayan ni Mayor Rolando Uy, kasama ng Cagayan de Oro City Police Office top brass, ilang konsehal, at Regulatory Compliance Board (RCB), ang mga business establishment sa Corrales Ave.
Ipinaalam sa mga may-ari at tauhan ng mga establishment ang kanilang mga responsibilidad sa pagtulong sa pamahalaang lungsod na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Noong Hulyo 23, binaril si Avelino Majorenos, 28, ng Opol, Misamis Oriental, nang magkagulo sa loob ng isang bar sa Corrales Ave.
Aminado si Sereñas na maraming reklamo sa social media laban sa lokal na pulisya, kasunod ng sunod-sunod na insidente ng krimen kung saan ilang indibidwal ang napatay.
Aniya, aasikasuhin ng pulisya ang iba pang mahahalagang bagay sa halip na mag-aksaya ng kanilang oras sa mga taong patuloy na nag-iingay sa social media habang nagtatago sa likod ng mga inaakalang pagkakakilanlan.
Hinamon sila ni Sereñas na ipadala ang kanilang mga reklamo laban sa pulisya sa National Police Commission (Napolcom), People’s Law Enforcement Board (PLEB), Regional Internal Affairs Service (RIAS), Ombudsman, at Commission on Human Rights.
“These offices will be more than willing to assist you because it is their job to remove rogue police officers from the service,” dagdag pa niya.