Share:

By: Jude Sagun

Nangako ng suporta bilang kaibigan ang on screen partner ni Rita Daniela na si Ken Chan sa pagdadalang tao ng aktres. 

Nitong Linggo nga lang, inanunsyo ni Rita na ipinagbubuntis niya na ang kanyang panganay pagkatapos mag-perform sa variety show na “All-Out Sundays” ng GMA. 

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother.”

“Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.” Ani Rita. 

Pati sa kanyang Instagram, ipinakita na rin ni Rita ang kanyang baby bump at sonogram ng anak. 

“My child, you came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.”

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” dagdag nito. 

Hindi binanggit ni Rita kung sino ang Tatay ng kanyang magiging baby, ngunit matagal na rin napapabalitang may longtime non-showbiz boyfriend na ito. 

Suportado naman ng kanyang ka-love team na si Ken Chan ang panibagong yugto sa kanyang buhay. Sa Twitter ng aktor, binati nito ang kaibigang aktres. 

“I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support & love to surround you & your baby.”

“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you,” Saad ni Ken.

Leave a Reply