By Christian Dee
MAYNILA – Ibinahagi ng aktres at mang-aawit na si Kim Molina ang matamis na mensahe nito ngayong kaarawan ng kanyang kasintahan na si Jerald Napoles.
Sa kanyang Instagram post, kalakip ng mensahe ni Molina kay Napoles ang kanilang larawan habang nasa isang beach.
“Hi @iamjnapoles. Today I celebrate your existence, with this particular moment when we prayed, danced to “Three Little Birds” and through the universe we manifest,” saad ng aktres.
“A simple thank you is an understatement, for how much I appreciate every little thing you do. God is so good, he blessed me with the man of my dreams. He blessed me with my main core. He gave me you. HAPPY BIRTHDAY. I love you,” dagdag pa ni Molina.
Inilabas na rin ni Napoles ngayong araw, Marso 2, ang kanyang birthday photoshoot na may caption na “Forty-fied.”
Ang magkasintahan ay halos walong taon nang magkarelasyon, na nagsimula sa musical play na “Rak of Aegis.”
