By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo na noong Martes, Pebrero 14, ng mga miyembro ng Korean pop girl group na MOMOLAND na magwawatak-watak na sila.

Sa kanilang sulat-kamay na mga liham na ibinahagi ng mga miyembro nito na sina Hyebin, Nancy, Jane, JooE, Nayun, and Ahin, nakumpirma ng mga tagahanga ang kanilang desisyon.

“First of all, we sincerely apologize to our Merries facing the news through an article. We are truly sorry for the late update,” pahayag ng grupo.

“After a long, deep discussion, the six of us members have decided to support for each other to have a great new beginning going forward,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ng grupo na kahit napagdesisyunan na nilang tahakin ang kanya-kanyang landas tungo sa kanilang pangarap, mananatiling “team” ang MOMOLAND.

“We sincerely thank our beloved Merries for providing us with precious memories and being by our side for the last seven years. Our Merries have been everything to us and always will be,” pagpapasalamat ng grupo sa kanilang mga fans.

“We are deeply sorry that we couldn’t let you guys know sooner, but sincerely thank each and everyone that have patiently waited for us,” dagdag pa nito.

Bilang pagtatapos ng kanilang liham, hiling ng grupo na patuloy na suportahan ang MOMOLAND at ang tatahaking landas ng bawat isa.

Leave a Reply