Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inihayag na ng University of the Philippines kahapon, Pebrero 15 ang pagbabalik ng UP College Admission Test (UPCAT) para sa akademikong taon na 2024-2025.

Sa anunsyo ng naturang unibersidad, opisyal na bubuksan ang application period ng UPCAT 2024 sa unang linggo ng Marso ngayong taon.

“The UPCAT 2024 application period will officially open in the first week of March 2023, with the online portal Form 1 (Applicant’s Personal Data) again accessible,” saad ng UP sa anunsyo nito.

Base sa naturang anunsyo, ang lahat ng mga application ay kinakailangang gawin online at ang mga aplikante naman ay kailangan ding i-encode ang kanilang mga nakuhang marka.

I-e-encode ng mga nais mag-apply sa UPCAT online portal ang kanilang mga markang nakuha para sa kanilang Grades 8-11.

“Though applicants may still be in Grade 11 when they apply, exam takers will encode their grades online only in September 2023 when Grade 11 grades are final and complete,” paliwanag nito.

Dagdag pa nito, sa Setyembre 2023 rin kakailanganin ang hard copies ng mga opisyal na markang nakuha ng mga aplikante mula sa kanilang paaralan, na siyang gagamitin para sa “verification purposes” ng Office of Admissions ng naturang unibersidad.

Leave a Reply