Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi sa isang pahayagan ng Inquirer ng ama ng namayapang overseas Filipino worker sa Turkey na si Wilma Teczan na darating na ngayong Miyerkoles ang labi ng kanyang anak sa bansa.

Isa si Teczan sa dalawang OFW na naitalang nasawi sa nangyaring 7.8 magnitude na lindol sa naturang bansa noong Pebrero 6.

Ani William Abulad, ama ni Teczan, sa isang panayam, ngayong Pebrero 15 ng gabi nakatakdang dumating ang labi ng kanyang anak.

“She will arrive tonight at the NAIA (Ninoy Aquino International Airport) around 6 with her daughter Irish Nicole,” ani Abulad.

“Her remains will be brought straight to our home for the wake,” dagdag pa niya.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng kanilang pamilya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagpapauwi ng labi ni Teczan.

“We need more financial assistance until we overcome the tragedy that hit us,” ani Abulad.

“I appeal to President Marcos, and the national and local governments to please continue helping us,” hiling niya sa pamahalaan.

Ipinaliwanag din ni Abulad na nabigong matulungan ng asawa ni Wilma na si Gurol Teczan na maiuwi ang naturang labi matapos mawala ang passport nito.

Samantala, ang isa pang nasawing OFW sa naturang lindol ay inilibing na sa Turkey.

Umabot na sa 40,000 katao ang naitalang nasawi sa pagyanig ng malakas na lindol sa Turkey at Syria.

Leave a Reply