Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaresto ng mga awtoridad nitong Martes, Pebrero 14, ang isang lalaki matapos pilit na nakipagtalik sa isang dalagita sa Maynila.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya nang makatanggap ng sumbong ang mga awtoridad mula sa tatay ng 15-anyos na babae.

Ayon sa ama ng biktima, nag-text ang kanyang anak at sinabing sapilitan siyang isinama ng 53-anyos na suspek sa isang motel.

“Humingi ng tulong yung anak ko sakin. Ginagalaw daw siya nung ano na yan,” anang tatay ng dalagita.

“Hindi tama yung ginawa niya sinira niya yung kinabukasan ng anak ko lahat ginagawa ko sa anak ko tapos ganyan lang gagawin,” dagdag pa niya.

Dating nobyo pala ng nakatatandang kapatid ng biktima ang naturang suspek.

Napag-alaman ding hindi ito ang unang beses nangyari ang pagpilit ng suspek na makipagtalik sakanya matapos maghayag ng biktima.

Sinubukan din aniyang magsumbong nang ilang beses ng biktima sa kanyang ina ngunit binabalewala lamang siya umano nito.

Giit ng suspek, wala raw nangyari sa kanilang dalawa ng dalagita at na-set up lamang siya, at wala aniya siyang planong gawin ang naturang pangyayari.

“Magpunta sa motel wala akong kaplano-plano,” aniya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

Leave a Reply