By Frances Pio
––
Higit pa sa isang slogan para iprotesta ang pamumuno ni Ferdinand E. Marcos Sr., ang “never again” ay dapat na maging “code to live by”, ayon kay martial law veteran at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman.
Sa isang privilege speech sa floor ng Kamara nitong Miyerkules, inihambing ni Lagman ang paggamit ng katagang “never again” para labanan ang mga kalupitan na ginawa laban sa mga Jew noong Holocaust.
Sinabi niya na ang kataga ay nagsisilbing isang moral code na humihimok sa mga tao na hindi na muling payagan ang kanilang sarili na maging biktima ng pang-aabuso.
“Mr. Speaker, the slogan ‘never again’ is not used exclusively to refer to martial law in the Philippine context. It was first used as a battle cry against the horrors of the Holocaust, and later genocide and tyranny in general. But ‘never again’ is more than a battle cry. It should be a moral code that we must live by. Never again must we allow ourselves to be victimized,” sinabi ni Lagman.
“Never again must our human rights be trampled upon. Never again must our nation be shrouded in fear and oppression. Never again should a brother so dearly loved lose his life so that we may live to enjoy basic freedoms. It is both a prayer and a promise that we will never forget the tragedy of martial law and that evil will never again be allowed to thrive. We should not forget the perpetrators and beneficiaries of martial law until they admit their odious crimes and show contrite repentance,” dagdag pa niya.
Ang tinutukoy ni Lagman ay ang kanyang kapatid, ang abogadong si Hermon Lagman, na nawala noong martial law.
Ayon kay Lagman, ang kanyang kapatid ang unang abogadong naging biktima ng rehimen ng yumaong dating pangulong Marcos, ang ama ng kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nananatiling nawawala si Hermon, 45 taon matapos siyang mawala.
Sinabi ni Lagman na ang mga kalunos-lunos na alaala ng mga biktima ay dapat magsilbing motibasyon upang tutulan ang anumang pagtatangka na muling isulat ang kasaysayan sa kalamangan ng mga Marcos.
Sa kabila ng Republic Act No. 10368 na nag-uutos ng pagtuturo ng martial law atrocities, ang dalawang dekada na pagkakahawak ni Marcos Sr sa bansa ay halos hindi na naituturo ngayon.Sa kabila ng Republic Act No. 10368 na nag-uutos ng pagtuturo ng martial law atrocities, ang dalawang dekada na pagkakahawak ni Marcos Sr sa bansa ay halos hindi na naituturo ngayon.
