BY: Frances Pio

––

Nagpasalamat ang three-term Senator at kandidato sa pagkasenador na si Loren Legarda sa mga mamamayan ng Nueva Ecija na patuloy na nagpapakita ng kanilang suporta sa kanya sa mga nakaraang halalan, at nangakong patuloy na tutulong sa lalawigan habang ninanais ang muling pagbabalik sa Senado.

“Sa ilang beses kong pagtakbo sa Senado mula 1998, hinding-hindi ako binigo ng mga taga Nueva Ecija. Ako ay laging nakakatanggap ng landslide na boto mula sa inyo. Kaya siniguro ko din na hindi kayo mabibigo sa akin. We ramped up government assistance for the people of Nueva Ecija over the years through DOLE TUPAD, DOLE Pangkabuhayan, DSWD AICS, CHED Tulong Dunong, and TESDA scholarship programs,” ibinahagi ni Legarda.

Naglaan ang three-term Senator, bilang dating Chairperson ng Senate Committee on Finance, ng pondo sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa probisyon ng DOLE Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), community-based na tulong na nagbibigay ng emergency job para sa lalawigan ng Nueva Ecija, Gapan City, at Cabanatuan City, at mga Munisipalidad ng General Tinio, Talavera, Peñaranda. Bukod dito, naglaan siya ng budget para sa DOLE Pangkabuhayan program para sa provincial government ng Nueva Ecija.

Sa pag-unawa sa kalagayan ng mga marginalized at disadvantaged sectors, inilalagay din ni Legarda ang premium sa tulong at mga protective services sa pamamagitan ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa bawat lokal na pamahalaan ng Gapan City at mga Munisipalidad ng Peñaranda at Licab. Binigyan din ng halaga ni Legarda ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng patuloy na pagsuporta sa mga programa ng gobyerno tulad ng Tulong Dunong grants-in-aid program ng CHED para sa mga mag-aaral sa kolehiyo sa Nueva Ecija.

Naglaan din si Legarda sa ilalim ng 2018 national budget para sa pagbili ng ambulansya para sa munisipyo ng Peñaranda; at pagtatayo ng mga multi-purpose building at staff house sa ilang educational institution sa mga Munisipalidad ng Carranglan, Pantabangan, at Cuyapo.

Muling iginiit ni Legarda ang kanyang pangako na magbigay ng mas maraming trabaho at oportunidad sa kabuhayan hindi lamang para sa mga mamamayan ng Nueva Ecija kundi maging sa buong bansa. Muli niyang iginiit na ang economic empowerment ng bawat pamilyang Pilipino ay kinakailangan na maging bahagi ng pandemic recovery.

“With the pandemic and all the challenges we are facing – inflation, climate change, among others, we need to make Filipinos more self-sufficient, such as giving them easier access to employment and livelihood opportunities. With this, we not only help them to become financially independent but also help our country achieve green and sustainable pandemic recovery,” sinabi ni Legarda.

Bilang tagapagtaguyod para sa pag-unlad ng agrikultura sa Pilipinas, binigyang-diin din ni Legarda ang kahalagahan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa agrikultura, lalo na sa Nueva Ecija, ang pinakamalaking producer ng bigas ng Central Luzon, na kilala sa bansag na “Rice Bowl of the Philippines”.

“Nueva Ecija is among the places that should be given necessary support as it is the country’s center of agricultural research and production. The people of Nueva Ecija are among those who put food on our tables, so it is only right that your basic agricultural needs are met. As I hopefully return to the Senate, I will ensure that our agriculture sector will be given priority not only in terms of reviewing current agriculture-related legislation but also in terms of ensuring that government programs are also sufficiently funded,” sinabi ni Legarda.

Sa ilalim ng 2017 General Appropriations Act (GAA), nakatanggap ang mga magsasaka ng P2 billion subsidy ng irrigation service fees sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA) at P2.6 billion sa ilalim ng GAA 2018 para sa parehong programa. Noong Pebrero ng parehong taon, ang Free Irrigation Service to Small Farmers Act, na co-author ni Legarda, ay naipasa bilang batas na makakatulong sa pagpapalago ng agrikultura hindi lamang probinsya maging sa buong bansa.

Nangako rin si Legarda, bilang co-author ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, para sa patuloy na suporta para sa sektor ng edukasyon at sa mga estudyanteng Pilipino upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Itinutulak niya ang pagpasa ng iminungkahing “One Tablet, One Student Act” na magbibigay ng mga kinakailangan ng bawat mag-aaral upang makayanan ang pinaghalong sistema ng pag-aaral at para sa pag-upgrade ng suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan mula sa entry-level na Salary Grade 11 sa Salary Grade 15.

“As a long-time public servant, my task is to ensure that all the government projects and programs are within the Filipinos’ reach and that these provide positive impact on their daily lives. Mahalaga ang maipatupad ang mga batas na ating isinusulong para sa kabuhayan, trabaho, edukasyon, kalusugan, at kapaligiran, ngunit mas mahalagang matiyak na ang mga ito ay mapondohan ng sapat at masigurong nararamdaman at napapakinabangan ng ating mga kababayan lalo na sa panahon ngayon na tayo ay patuloy pang bumabangon sa pandemya,” sinabi ni Legarda bilang pagtatapos.

Leave a Reply