By: Frances Pio

Nanumpa ang isang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Zamboanga City noong Biyernes, Marso 11, 2022, matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang konsehal ng Sangguniang Panlungsod.

Nanumpa si Benyasir “Ben Digong” Asdali sa harap ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar sa Zamboanga City Hall.

Ang oath taking ceremony ay sinaksihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) City Director Ginagene Vaño Uy, mga lokal na opisyal at mga miyembro ng pamilya ng Asdali.

Leave a Reply