By Christian Dee
MAYNILA – Nakatanggap ang alkalde ng Parañaque City na si Mayor Eric Olivarez ng tropeyo at cash prize na P200,000 matapos makuha ng lokal na pamahalaan ang 2nd place na puwesto sa 2022 LGU Compliance Assessment of the Manila Bay Clean-Up Program na ginanap sa Manila Hotel noong Oktubre 27, sa Manila Hotel.
Muling kinilala ng Department of Interior and Local Government ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City dahil sa mahusay nitong pagganap sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program.
Pangalawang beses nang nakamit ng naturang lungsod ang parangal.
Ang DILG-National Capital Region at ang DILG’s Center for Advancement of Local Governance ay nagbibigay ng nasabing parangal kada taon upang kilalanin ang mga local government units (LGU) na nagpakitang gilas, at bibigyan ito ng incentives.
Noong taong 2021, sa ilalim naman ng termino ng dating alkalde na ngayon ay 1st District Representative Edwin Olivarez, nakatanggap din ang naturang lungsod ng kaparehong parangal.
