By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pasay City, makararanas ng power service interruption sa lungsod sa Sabado, Nobyembre 5, simula 8:30 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon.
Maapektuhan ng aberyang ipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang ilang residente sa kahabaan ng Ortigas Street malapit sa Doña Aurora Road dahil sa pagpapanatili ng linya ng kuryente sa lugar.
Apektado rin ang bahagi ng circuit CBPI-A 425RF ng Ortigas Street near Dona Aurora Road I (TLN 032738).
Ayon sa abiso ng lungsod, pinapayuhan ang mga residente ng naturang lungsod na apektado sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente na gawin nila ang mga nararapat na paghahanda.
Para sa iba pang mga impormasyon, maaring bisitahin ang Meralco Facebook page o ang kanilang contact number 0920-9716211 or 0917-5516211.
