By Christian Dee
MAYNILA – Naghahanda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipatupad ang diswento sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay LTFRB chair Teofilo Guadiz III, hinihintay lamang na ma-download ang pera sa LTFRB.
“We are just waiting for the downloading of the money to the LTFRB,” aniya
“Pagkatapos niyan tuloy-tuloy na ‘yung Service Contracting Program,” dagdag pa niya.
Kailangan din nilang makuha ang hudyat mula sa Office of Secretay, ayon kay Guadiz, kung paano nila nilalayong gawin ito.
“I think ang gagawin lang nila is discount lang ang ibibigay sa mga tao para ‘yung pera na P1.2 billion mapagkasya sa maraming mga transport services on a nationwide scale,” ani Guadiz.
Ipinaliwanag din ng opisyal sa isang pahayag na ang diskwentong ito ay alinsunod sa panukala ng Department of Transportation, ang pagdadagdag sa pagpapatupad ng diskwento ay depende sa gabay nito.
Bagama’t bababa ang presyo ng pamasahe, hindi pa rin nababanggit ng ahensya ang mismong petsa kung kailan ito ipatutupad.
Naniniwala rin si Guadiz na posibleng hanggang anim (6) na buwan lang ang itatagal ng pondo kaya mungkahi nito sa DOTr ang karagdagang pondo para umabot hanggang sa katapusan ng taon ang pera.
