By Frances Pio
––
Binawi na ang driver’s license ng may-ari ng sports utility vehicle (SUV) na naging bahagi ng viral hit-and-run incident sa Mandaluyong, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes.
Ayon sa pahayag ng LTO, ang may-ari ng Toyota RAV4 na may plate number na NCO 3781 — kinilala bilang isang Jose Antonio San Vicente — ay napatunayang may pananagutan ng ahensya sa walang habas na pagmamaneho at paglabag sa Section 55 (Duty of driver in case of an accident) ng Republic Act No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.
Disqualified na si San Vicente mula sa pagkuha ng lisensya at pagmamaneho ng sasakyan, sabi ng LTO.
“The LTO finds Respondent San Vicente liable for Reckless Driving and for violating Section 55 (Duty of driver in case of an accident) of R.A. 4136 when he abandoned the scene and the victim. Together with his disregard for the authority of the Land Transportation Office, his acts are considered unacceptable behaviors of a driver,” sinabi ng LTO.
“Taken as a whole, his actions are tantamount to the acts of an improper person to operate a motor vehicle pursuant to Section 27 (a) of R.A. 4136 […] The Non-Professional Driver’s License of Mr. San Vicente was ordered REVOKED pursuant to Section 27 of R.A. 4136 and he is PERPETUALLY DISQUALIFIED from securing a driver’s license and driving a motor vehicle,” dagdag pa nito.
Kinumpirma rin ng LTO ang mga pahayag kanina ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na nagsabing nagkaroon na ng dating infraction si San Vicente dahil sa reckless imprudence.
Gayunman, sinabi ng LTO na hindi lang isa, kundi tatlong beses nang nahuli sa reckless driving noong 2010, 2015, at 2016 si San Vicente.