Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Huwebes, Enero 26, inanunsyo ng Land Transportation Office – National Capital Region (West) na mayroong itong inaalok na libreng theoretical driving course (TDC) para sa mga aplikante ng Student Permit.

Ang libreng labinlimang oras na TDC ay kasabay ng muling pagbubukas ng Driver’s Education Center ng ahensya na ayon kay LTO-NCR West director Roque Verzosa III, ay nasa ilalim ng pagpatnubay ni LTO chief Jay Art Tugade.

Ipinaliwanag din ni Verzosa na ang naturang education center ay nag-aalok ng nasabing kurso para sa mga baguhan na mga drayber upang matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa ligtas na pagmamaneho.

Kasama rin sa nabanggit na kurso ang ilang mga batas, mga tuntunin, at mga pamamalakad.

Ipinaalala din ng ahensya sa mga aplikante ang mga sumusunod na mahahalagang detalye:

     1) Booked appointments are non-transferable. (Hindi maaring ipasa o ilipat sa iba ang mga naka-book na mga appointment)

     2) Please provide an active email address. A confirmation email will be sent to the provided email address that will be used as proof of your booking before entering the office premises. (Mangyari lamang na magbigay ng aktibong email address. Ang kumpirmasyon gamit ang email ay ipadadala sa ibinigay na email address ng aplikante na gagamitin bilang patunay na ang iyong booking bago magpunta sa mga tanggapan.)

     3) The applicant must personally attend both sessions. (Ang aplikante ay nararapat na personal na dumalo sa parehong sessions.)

     4) There will be limited slots due to social distancing.  (Mayroon lamang na limitadong mga puwang dahilan ang social distancing.)

Para sa mga nais mag-apply o mag-rehistro, maaring magtungo sa link na ito: https://forms.gle/Xm7Ch4ks8cis2xo2

Samantala, inanunsyo na rin na ang muling pabubukas ng Pasay City Licensing Center ay gaganapin ngayong Huwebes, Enero 26 at Enero 27, Biyernes, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, ayon sa naturang ahensya.

Leave a Reply