Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nagambala at isinuspinde ang mga klase sa isang paaralan sa Quezon City matapos makatanggap ng isang banta na may itinanim umanong bomba sa isang gusali nito.

Ayon sa ulat ng pulisya, natanggap ang bomb threat ng Ponciano Bernardo High School matapos magpadala ng isang mensahe ang tiyak na Bob Key Ser Panganiban sa opisyal na Facebook page nito.

Ang bomb threat na natanggap ng paaralan sa Cubao bandang alas-12:57 ng madaling araw ay karagdagan sa ilan pang kaparehong banta sa ilang paaralan sa lungsod nitong linggo.

“May tinanim ako na bomba sa elementary, sasama tayong mauubos,” mensaheng natanggap ng paaralan.

Agad namang ipinaalam ng isang supervisor sa principal ng eskwerlahan ang tungkol sa natanggap na mensahe matapos mapag-alaman mula sa isang guro na unang nakabasa nito.

Ayon sa pulisya, nagsagawa muna ng inspeksyon sa pasilidad ng paaralan bago ipaalam sa mga awtoridad.

Nagsagawa rin ng paghahanap ang mga awtoridad mula sa Quezon City Police District explosive ordnance disposal (EOD) at walang nakitang bombing nakatanim sa pasilidad.

Matatandaang nakatanggap din ang New Era Elementary School at San Francisco High School nitong linggo.

Leave a Reply