By Frances Pio
––
Mag-asawang kabilang sa Communist Terrorist Group (CTG) ang sumuko sa 97th Infantry Battalion ng Militar sa Barangay Del Pilar, Piñan, Zamboanga Del Norte noong Martes, Hulyo 5.
Si alyas Dave ay ang Front Secretary habang si alyas Ikoy ay ang Deputy Secretary ng defunct Guerilla Front BBC ng Western Mindanao Regional Party Committee.
Kasunod na iniharap ang mag-asawa kay Brig. Gen. Leonel Nicolas, Commander ng 102nd Infantry Brigade.
Tiniyak ng one-star general sa dalawa ang kanilang kaligtasan at ang tulong ng gobyerno sa kanilang muling pagsasama sa mainstream society.
“The brigade and its units are always committed to its mandate, which includes the protection of the lives of its former adversaries who chose to return to the folds of the law,” sinabi ni Nicolas.
Sa inisyal na debriefing, ibinunyag ng mga dating rebelde na pinili nilang sumuko dahil sa hirap na kanilang naranasan dala ng mga opensiba ng militar na inilunsad ng mga yunit ng Army sa lugar.