By Frances Pio
––
Inirekomenda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang lungsod dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Inaprubahan ng CDRRMC, na pinamumunuan ni Mayor John Dalipe, ang isang resolusyon sa isang pulong noong Biyernes, Hulyo 22, upang tugunan ang problema na nakaapekto na sa anim sa pitong distrito simula noong Huwebes, Hulyo 21.
Ang resolusyon ng CDRRMC ay ipapasa sa Konseho ng Lungsod para aprubahan sa regular na sesyon nito sa Martes, Hulyo 26.
Sinabi ni Dr. Mario Arriola, Office of the City Veterinarian chief, sa isang pahayag noong Sabado, Hulyo 22, na ang deklarasyon ng state of calamity ay magbibigay-daan sa paggamit ng pondo mula sa antas ng barangay upang bigyang kapasidad ang pamahalaang lungsod na labanan ang ASF.
Sa panahon ng pagpupulong, iniulat ni Arriola na ang mga ASF cases ay patuloy na tumataas sa kabila ng pinagsama-samang pagsisikap na mapigil ang pagkalat ng sakit.
Sinabi ni Arriola na ang ASF ay nakaapekto na sa 733 hog raisers mula nang ma-classify ang lungsod bilang red zone noong Mayo 23.
Umakyat sa 2,775 ang hog mortalities habang 746 na baboy ang pinatay dahil sa impeksyon ng ASF na kumalat sa 15 sa 98 barangay ng lungsod.