By Christian Dee

MAYNILA – Ni-lift na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang closure order laban sa “wireless unit” ng Philippine Long Distance Telephone Company Inc., na Smart Communications Inc. dahil sa umanong hindi pagbabayad ng buwis at pagpapatakbo ng operasyon nito nang walang business permit.

Ayon sa pahayag ng PLDT Inc., nitong Biyernes, Marso 3, naayos ang naturang problema matapos makapagsumite ng Smart sa Makati City government ng mga tala sa na tumutugma sa mga kita na nabuo sa loob ng lungsod.

“The settlement was reached after Smart submitted to the Makati LGU its accounting records corresponding to revenues generated within the territorial jurisdiction of Makati for the relevant periods,” ayon sa pahayag.

Matatandaang isinara ng Makati LGU ang headquarters ng Smart sa Ayala Avenue noong Pebrero 27 dahil sa umanong hindi pa nababayarang buwis na nagkakahalagang mahigit P3.2 bilyon mula 2012 hanggang 2015.

Isang araw naman matapos ang paglalabas ng naturang closure order, agad na pumunta ang opisyal ng kumpanya sa Office of the City Treasurer upang isumite ang mga dokumento, bilang pagsunod sa ipinag-utos ng pamahalaang lungsod.

“Smart remains committed to complying with Makati City’s local tax ordinances, and with relevant national laws, applicable in respect of local taxation, and thanks the Makati LGU for its prompt action to resolve the matter,” pahayag pa ng PLDT.

Leave a Reply